Sa biyolohiya, ang sihay[1][2] o selula[3] (mula sa kastila célula, na sa Ingles ay tinatawag na cell) ay ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organismo. Ito ang pinakamaliit na unit ng buhay na inuuri bilang isang buhay na bagay at karaniwang tiantawag na mga blokeng pangtayo ng buhay. Ang mga organismo ay maaaring uriin bilang uniselular na binubuo lamang ng isang sihay gaya ng bacteria at multiselular na binubuo ng maraming mga sihay gaya ng mga halaman at hayop. Ang tao ay naglalaman ng mga 100 trilyong sihay. Ang isang tipikal na sihay ay may sukat 10 µm at ang tipikal na masa(mass) ay 1 nanogramo. Ang pinakasukdulang mga sihay sa tao ay:
Ang sihay ay natuklasan ni Robert Hooke noong 1665. Noong 1835, bago ang teoriyang pinal na sihay ay nabuo, natuklasan ni Jan Evangelista Purkyně ang mga maliit na granula(granules) habang tumitingin sa mga tisyu ng halaman sa ilalim ng mikroskopyo. Ang teoriya ng selula na unang binuo nina Matthias Jakob Schleiden at Theodor Schwann noong 1839 ay nagsasaad ng mga sumusunod:
Ang salitang sihay ay nagmula sa salitang Latin na cellula na nangangahulugang "isang maliit na kwarto". Ang salitang naglalarawan para sa pinakamaliit na buhay na istrakturang bioholikal ay inimbento ni Robert Hooke sa isang aklat na kanyang inilimbag noong 1665 nang kanyang ikumpara ang mga sihay ng tapon(cork) na kanyang nakita sa mikroskopya sa mga maliliit na kwartong tinitirhan ng mga monghe.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bio mikroskopikong estruktura ng mga hayop at halaman na naglalamán ng nuklear at cytoplasmic na materyales na napapaloob sa isang semi-permeable membrane : SÉLULÁ
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)